Naglayag ako sa asul na karagatan
Naglakadlakad ako sa berdeng kagubatan.
Tumingala ako sa maaliwalas na kalangitan
Namulat ako ng nakangiti sa mapayapang kapaligiran.
Ngunit habang akoy tumatanda aking napapansin.
Tila may dinadaing ang ating tanawin
Isang sakit na mahirap gamutin
Pero maiiwasan Kung tutulungan natin.
Ang dating asul na dagat ngayon itim na
Masulak na gubat ngayon kalbo na
Ang maaliwalas na kalangitan ngayon mausok na
Dahil sa polusyon na galling sa kotse at pabrika.
Paano ko ba tutulungan ang kalikasan?
Sapat nab a ang paglilinis ng kapaligiran?
Disiplinahin ang mga tao yun ang tanging paraan.
Upang ang kalikasan ay ating mapangalagaan.
0 comments:
Post a Comment