Friday, August 13, 2010

Ang aking pasasalamat sa inyo....

Ako ay namulat sa mundo na may mabait na magulang
tinuruuan nila ako at ang aking kapatid na maging mabait at magalang sa tao
at maka diyos
tinuruuan nila ako na mag sulat , magbasa at mamulat sa katotohanan


Mama salamat po sa pag aaruga niyo po sa amin ni Naomi
Kahit na mahirap ang nagdadalang tao
Salamat po sa pag titiis niyo sa pag papaaral sa amin at pagtatrabaho po para sa amin at kay Papa

Papa salamat po sa iyong pagtitiyaga sa amin po
mag ingat ka po diyan sa ibang bansa
ipinagdadasal po kita na sana makauwi ka po ng maayos at walang hassle

Mama , Papa sana,y mapatawad niyo po ako sa aking
mga kasalanan
Nangangako po ako na susunod na po ako

Mama, Papa pagbubutihin ko po ang aking pag aaral at magtatrabaho po ako
para matulungan ko din po kayo at ang aking kapatid. Hindi ko po kayo iiwan kapag tumanda na po kayo sisiguraduhin ko po na ako'y tutupad sa aking ipinangako

Ito po ay para sa inyo ni Papa....

I love you forever
We are going to be a happy family if we always stick together!




Alexandrea Lara Falcutila
Gr. 6 St. Peter

Kayo ang tunay kong kaibigan....


Ako ay isang simpleng tao lamang
na dati 'y di malaman ang direksyon sa buhay
di mawarian ang gagawin

Kapag ako'y inutusan ng ibang tao
paminsan- minsang palpak
kaya galit ang katapat para matuto

Dito nagbago ang lahat nang makilala ko kayo
tinuruan ninyo ako maging matatag sa bagay
na dapat harapin
tinulungan niyo ako na wag sumuko sa mga bagay

Lagi kayong andyan para saakin at
hindi niyo ako iniwan
Nagkaroon man tayo ng alitan nung isang taon at
pasensya na na minsan ako'y makulit
Sana'y mapatawad niyo ako

KAYO ang tunay kong kaibigan nang tinanggap
ninyo kung anong mayroon ako
Madami man akong naging kaibigan pero kayo ang kauna-
unahang kong pinakamatalik na kaibigan...

at

andito din ako para sa inyo sa lahat ng oras
para tulungan kayo....

Maraming salamat sa inyo....

LLEANE CLARICE DELICA......

AT

JAMES BRIAN VENTURA.....








Alexandrea L. Falcutila
GR. 6- St. Peter





Hidden love

Hindi ko talaga malaman
Itong aking nararamdaman
Heto't nakatitig sa halaman
Naghihintay na humupa ang ulan

Sa aking pag-idlip
Ikaw ang panaginip
Sa aking pagka-inip
Ikaw ang nasa isip

Kapag ikaw ay kumanta
Ako'y tuwang-tuwa
Kapag tayo'y nagbibiruan at naghaharutan
Tuwang- tuwa din ako

Kapag naman kailangan mo ng tulong
andito lang ako
para tulungan kita

Kaya iisa lang ang nais ko
ang mahalin ka, kahit ng ito'y patago...




Alexandrea L. Falcutila

Gr. 6- St. Peter