Ako ay isang simpleng tao lamang
na dati 'y di malaman ang direksyon sa buhay
di mawarian ang gagawin
Kapag ako'y inutusan ng ibang tao
paminsan- minsang palpak
kaya galit ang katapat para matuto
Dito nagbago ang lahat nang makilala ko kayo
tinuruan ninyo ako maging matatag sa bagay
na dapat harapin
tinulungan niyo ako na wag sumuko sa mga bagay
Lagi kayong andyan para saakin at
hindi niyo ako iniwan
Nagkaroon man tayo ng alitan nung isang taon at
pasensya na na minsan ako'y makulit
Sana'y mapatawad niyo ako
KAYO ang tunay kong kaibigan nang tinanggap
ninyo kung anong mayroon ako
Madami man akong naging kaibigan pero kayo ang kauna-
unahang kong pinakamatalik na kaibigan...
at
andito din ako para sa inyo sa lahat ng oras
para tulungan kayo....
Maraming salamat sa inyo....
LLEANE CLARICE DELICA......
AT
JAMES BRIAN VENTURA.....
Alexandrea L. Falcutila
GR. 6- St. Peter
0 comments:
Post a Comment