By: Bernice Gonzales and Jennifer Dela Cruz
St. Stephen
St. Stephen
"Friends may come and go but family is a forever bond"
Ito ay isinagawa sa gymnasium ng paaralan sa ganap ng 1:00 - 5:00 ng hapon. Ang programa ay sinimulan ng pambungad na dasal na pinangunahan ng Pamilya Ilarina matapos ito, ay inawit na ng buong puso ang Lupang Hinirang.
Nagbigay ng makahulugang talumpati si Gng. Fernandez at Gng. Chicote. Nagbigay naman ng paraan ukol sa Positive Empowered Parenting sina G. at Gng. Perez ito ay may acronyms na "PARENT".
Matapos ang kanilang paliwag ay naghanda na kaming mga estudyante upang awitin ang community song na "Welcome to the Family". Ang bawat magaaral ay sumayaw kaharap ang kanilang mga magulang at pamilya.
Naghandog ang bawat estudyante ng makahulugang sulat sa kanilang mga magulang. Inihanda na ang mga pagkain para sa lahat habang kumakain ang lahat ay naghandog ng kanta si Joanna Patdu.
Mukha namang nasayahan ang mga estudyante sa kanilang kinain, kaya naman nang natapos na ang lahat sa pagkain ay tinawag na ang mga manlalarong pamilya sa "Family Bible Quiz Bee", naging patas naman
sa paglalaro ang mga pamilya na sumalang sa quiz bee. Napagwagian ng Pamilya Ilarina ang laro. Pinamunuan naman ni Gng.Dulla (parent's representative) ang mga laro ang calamansi game at paper dance.
Sa dalawang larong iyon ay lubusan ng sumaya ang mag-aaral.
Nang dumating si Msgr. Arnel F. Lagarejos, siya ay nagbigay ng maikling paliwanag patungkol sa mga pamilya at dahilan ng pagkakaroon ng family days.
"Sa family day hindi lang puro laro ang nandito kundi meron ding fellowship or pagkakapatiran sa ibang tao." Nagbigay siya ng guidelines on how to
win in parenting. Matapos ang talumpati ni Msgr. Lagarejos ay nagbigay na ng panghuling salita si Gng. Gurango. Sumunod dito ay sabay-sabay ng nagdasal ang lahat.
Ang bawat isa ay mayroong natutunan sa mga talumpati ng bawat namumuno maging ang aming mga magulang. Hindi namin makakalimutan ang pangyayaring ito.
0 comments:
Post a Comment