Bangon Cainta
By: Alianna Marie F. Santos
Bagong Cainta ang tawag sa bayan natin
Ngunit dapat nga bang itong tawagin?
Isang unos ang nagdaan
At lahat ng tao ay nagulatang
Isang pangyayaring lubos na nagpabahala
At tumatak sa ating ala-ala
Ito ay ang malawakang pagbaha
Na lubos na nakapinsala
Ako, ikaw, tayong lahat
Naging biktima sa sariling pagkakasala
Tapon dito, tapon doon
Kaugalian nating mga Pilipino ngayon
Ngunit dapat nating gumawa ng hakbang
Upang hindi na maulit ang higanti ng Inang Kalikasan
Nagsasabing tayo’y magbago
At maging malinis at maayos ang bayan
Bilang tao, matuto tayong maging mapagmahal
Kahit na tayo’y napinsala at pagal
Magsumikap tayong bumangon at sabihing
Bangon Cainta! Bangon Cainta!
By: Alianna Marie F. Santos
Bagong Cainta ang tawag sa bayan natin
Ngunit dapat nga bang itong tawagin?
Isang unos ang nagdaan
At lahat ng tao ay nagulatang
Isang pangyayaring lubos na nagpabahala
At tumatak sa ating ala-ala
Ito ay ang malawakang pagbaha
Na lubos na nakapinsala
Ako, ikaw, tayong lahat
Naging biktima sa sariling pagkakasala
Tapon dito, tapon doon
Kaugalian nating mga Pilipino ngayon
Ngunit dapat nating gumawa ng hakbang
Upang hindi na maulit ang higanti ng Inang Kalikasan
Nagsasabing tayo’y magbago
At maging malinis at maayos ang bayan
Bilang tao, matuto tayong maging mapagmahal
Kahit na tayo’y napinsala at pagal
Magsumikap tayong bumangon at sabihing
Bangon Cainta! Bangon Cainta!
0 comments:
Post a Comment