“Kaibigan Lang Ba?”
By Cedric Ilarina
I
Ano ba talaga ang dapat kong maramdaman,
Sa inyong dalawang magkaibigan
Ano ba ang namamagitan sa inyo
Alin ba talaga ang totoo.
Minsan mong sinabi na
Magkaibigan lang kayo
Magkasama kayo lagi na
Ang napapansin ko.
Nagsalita ako nang minsan
Tungkol sa inyong dalawa
Sinabi mo na mahal mo ako
Totoo ba ang sinasabi mo?
Kanina lang ay nakitang,
Alalang-alala
Kaya ako’y nangangamba lagi
Sa inyong dalawa
Tuwing kayo ay makikita.
II
Ngiti lagi ang nilalabas ko
Pangtanggal kaba si dibdib ko
Ang mga sinabi kong ‘to
Nasasaktan ako, oo
Tuwing magkasama kayo
Pero pilit kong inuunawa
Pagitan sa inyong dalawa
Kaya pakiusap,
Tuwing sinasabi ko ‘to
Gusto ko lang malaman mo
Na ayaw kong masama ang araw mo.
Pero
Dahil gusto pa kitang makasama
Pinapaalam ko lang sa’yo
Mahal na mahal kitang totoo.
0 comments:
Post a Comment